Tatay lango sa SHABU 7-anyos na anak ginilitan, PATA!


PATAY ang isang bata makaraang saksakin at gilitan sa leeg ng kanyang sariling ama kaninang madaling-araw sa Quezon City.
Base sa report, kinilala ang babaeng biktima na si Angel Mark Cathlyn Manliclic, 7, ng Block 2, Lot 8, N. Aquino St., Barangay Sta. Lucia, Fairview, nasabing lungsod. Sa inisyal na pagsisiyasat, alas-3:00 ng madaling-araw ng Martes nang makatanggap ng tawag ang barangay mula sa isang concern citizen upang ipagbigay alam na may batang pinatay ng sarili nitong ama na kinilalang si Alvin Manliclic, 35. Mabilis na tinungo ng mga kagawad ng Bgy. Sta. Lucia ang lugar at doon inabot ang bangkay ng biktima na nakahiga pa sa tulugan nito habang nakaupo naman sa silya ang ama na walang kibo at kusang sumama sa mga awtoridad.
Saksak sa tagiliran, malapit sa kaliwang ribs ang ikinamatay ng bata na ginilitan pa ng salarin. Sinasabing lango sa droga ang ama ng biktima nang gawin ang krimen na nag-ugat sa pag-alis ng kanyang misis na nagpaalam na uuwi lang ng probinsya pero nasa Canada na pala.


Share it on Facebook





share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source:remate.ph
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!