911 magagamit na ng publiko sa Agosto


Kinumpirma ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na magiging fully operational na sa buwan ng Agosto ang Citizen Hotline 8888 at ang 911 Nationwide Emergency Response Center.


Share it on Facebook



Sa panayam ng Inquirer, ipinaliwanag ni Andanar na ang “8888” ang magsisilbing sumbungan ng mamamayan ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng pamahalaan. Pwede ring idulog sa nasabing phone number ang mga hindi naaaksiyunan na proyekto ng gobyerno pati na rin ang mga umaabuso sa kani-kanilang mga posisyon. Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang 24-hour ang nasabing hotline na tatauhan ng mga opisyal ng Presidential Action Center (PACE) para mas maging mabilis ang pagtugon sa reklamo ng publiko. Pero babala ni Duterte na dapat ay mga totoong reklamo lamang ang ipararating sa hotline dahil mananagot sa kanya ang sinumang gagawa lamang ng kwento para ididiin ang isang partikular na tauhan ng pamahalaan. Ang 911 emergency hotline naman ang siyang ipapalit sa kasalukuyang 117 na umaani ng batikos dahil sa mabagal na pagtugon ng mga call center operators. Sinabi ni Andanar na naging epektibo ang 911 hotline sa Davao City para sa mabilis na responde ng mga pulis, bumbero at medical personnel at ito umano ang gustong gawin ni Duterte sa buong bansa.



share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source:President Duterte News

SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!