Hotline 8888 para sa reklamo, 911 para sa emergency magagamit na sa Agosto



Sa susunod na buwan ng Agosto ay inaasahang magagamit na ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na direktang linya ng telepono na maaaring gamitin ng mga mamamayan sa pagsusumbong ng mga katiwalian sa gobyerno at para sa emergency Ayon sa Hataw Tabloid, sinabi umano ni Communications Secretary Martin Andanar na isinasapinal na ang mga nararapat na hakbangin upang maisakatuparan na ang 24-hour Hotline 8888 (sumbungan kontra katiwalian) at 911 para naman sa emergency.


Share it on Facebook



Ang 8888 hotline ay ilulunsad para tumanggap ng mga reklamo ng taumbayan tungkol sa mga tiwaling kawani ng gobyerno, mga proyekto ng gobyerno na nakabinbin at iba pang reklamo na kailangan ng agarang katugunan mula sa gobyerno. Ang kasalukuyang umiiral na 117 emergency hotline ay papalitan naman ng numerong 911 na direktang kokonekta sa Nationwide Emergency Response Center. Ayon kay Andanar, subok na sa Davao City ang pagiging epektibo ng 911 hotline sa dagliang pagresponde ng kapulisan, bumbero at mga medical personnel sa oras ng emergency.


share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source:definitelyfilipino

SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!