ISIS Tinawag Na Isang “Taghut” Si President-Elect Duterte


Sa isang video na inilabas ng Islamic State o mas kilala sa tawag na ISIS, nanawagan ang isang militanteng Malaysian sa mga tagasuporta ng grupo sa Timog-Silangan Asya na sumapi na sa kanila. Si Mohd Rafi Udin, militanteng Malaysian na nakabase sa Syria, ay nanghikayat ng mga nais sumapi sa ISIS na kung hindi sila makapupunta sa Syria ay sa Pilipinas sila magtungo. Ayon sa isang ulat ng Reuters, hinikayat ni Udin ang mga mujahideen sa Southeast Asia na magkaisa sa ilalim ng pamumuno ni Abu Abdullah o mas kilala sa pangalang Isnilon Hapilon, ang pinuno ng mga Abu Sayyaf. Matatandaang nanumpa ng katapatan ang gupo ni Hapilon sa lider ng ISIS na si Abu Bakr al-Baghdadi noong 2014. Si Hapilon ay may putong na P5 milyon sa kanyang ulo na inaalok ng Estados Unidos sa pamamagitan ng Rewards for Justice Program nito. Isang Pilipinong militante ang nagsalita rin sa nasabing video kung saan nagbigay ito ng babala laban sa lider ng Malaysia, Indonesia at sa mga taga-Pilipinas na sumasamba sa krus. Nabanggit rin ng Pilipinong militante si President-elect Rodrigo Duterte. “Mag-ingat kayo at maging malakas, huwag kayong magpadala sa mapanlinlang na taktika ng bagong halal na taghut lider ng mga hindi naniniwala sa mga aral ni Allah na si Duterte. Sumpain siya ng Allah,” wika nito. Ipinakita rin sa video ang pagpugot ng ulo sa tatlong lalaking inakusahang mga espiya.


Share it on Facebook





share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: TRUTHstreammedia,balita.definitelyfilipino

SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!