Mga Pulis Na Mahilig Tumambay Sa Casino, Sabungan At Golf Course Malilintikan Kay ‘Bato”


Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ De La Rosa ang mga pulis na mahilig maglakwatsa sa oras ng trabaho. Ayon sa ulat ni Julliane Love de Jesus ng Inquirer, ipinahayag umano ni De la Rosa ang babala Lunes ng umaga, ika-4 ng Hulyo, matapos ang kauna-unahan niyang flag raising ceremony sa Camp Crame bilang PNP Chief.


Share it on Facebook



Una niyang pinuntirya ang mga opisyal ng kapulisan na mahilig mag-golf kahit oras pa ng trabaho. “Pasensiya na sa mga golfers diyan. Magalit na kayo kung magalit. Basta magtrabaho muna tayo…mamaya na ‘yung golf. During office hours walang makikitang nasa golf course,” sabi ni Dela Rosa. Nagbabala rin ang bagong lider ng PNP na malilintikan ang sinumang pulis na makikita sa mga pasugalan. “Ipagbabawal ko na ang pagpunta ng mga kapulisan sa mga sugalan…sa sabungan…sa casino,” aniya. “Kapag meron akong nakitang pulis natin na nasa sabungan, nasa casino, malilintikan kayo sa akin,” babala ni Dela Rosa na mas kilala sa tawag na ‘Bato’ dahil sa kanyang matipunong pangangatawan. Sinabi ni De la Rosa na tuluy-tuloy ang paglilinis sa hanay ng kapulisan upang alisin ang mga tiwaling pulis sa PNP.


share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source:balita.definitelyfilipino

SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!