2 suspek sa pamamaril sa anak ng ABS-CBN reporter, arestado



Naaresto na ng QCPD ang dalawang suspek sa panghoholdap at pamamaril sa anak ni ABS-CBN reporter Queenie Casimiro. Kabilang sa nahuli ang itinuturong gunman. Nakilala ang biktima na si John Dexter Concepcion, 24 anyos na IT specialist. Anak siya ni Queenie Casimiro ng ABS-CBN News Central Mindanao. Kwento ng biktima sa kanyang tiyahin, nilapitan siya ng isang lalaking naglalakad lamang at nagdeklara ng holdap. Pero pumalag anya siya at hindi agad ibinigay ang kanyang cellphone kaya binaril siya ng suspek. Tumakas ang gunman kasama ang isang kasabwat na naka-motorsiklo. Tumagos naman ang isang bala sa katawan ng biktima. Ayon kay PO3 John Michael Espiritu ng Masambong Police Station 2, mayroong CCTV footage ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pinangyarihan ng insidente pero hindi nito nahagip ang mismong panghoholdap. Naghahanap pa ang pulisya ng iba pang CCTV camera na posibleng nakakuha sa pamamaril. Ibinahagi naman ng ina ng biktima na nangangailangan pa ng limang bag ng dugong type B positive si Concepcion para sa pangalawang operasyon niya ngayong Huwebes. Maaaring magtungo sa Quezon City General Hospital ang mga nais mag-donate ng dugo.



Share it on Facebook





share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: ABS-CBN News
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!