Ilang bulto ng shabu, nakumpiska sa Bilibid



Kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Ginalugad ng mga elemento ng NCRPO ang medium security compound Huwebes ng hapon matapos makatanggap ng tip na may ginagawang bentahan ng iligal na droga sa loob. Hinalughog ng mga operatiba ang mga building at selda sa loob at nakumpiska ang iligal na droga, drug paraphernalia at iba pang kontrabando. Ayon sa NCRPO, bago ang kanilang operasyon ay nagsagawa ng buy-bust operation ang isang operatiba sa isang inmate sa loob ng medium security compound, at nang magpositibo ay doon na sumalakay ang SWAT (Special Weapons And Tactics) teams ng NCRPO.


Share it on Facebook





share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: theviralnewsph, ABS-CBN News
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!