Ilang umano'y protektor ng droga, isinuplong ng 'narco-mayor'



Pinangalanan ni Albuera, Leyte Mayor Roland Espinosa, Sr. Miyerkules ang ilang indibidwal na konektado sa iligal na aktibidad ng kanyang anak na si Roland "Kerwin" Espinosa, ang pinaghihinalaang drug lord ng Visayas. Sa kanyang sinumpaang salaysay sa piskalya, isiniwalat ng nakakatandang Espinosa kung sinu-sino ang mga koneksyon at pinagkukuhanan ng iligal na droga ng kanyang anak. Laman din ng salaysay ni Espinosa ang mga pangalan ng mga nasa drug payola ni Kerwin. Hindi na nagbitiw ng anumang pahayag ang alkalde na nang isumite ang kanyang salsaysay sa Leyte Provincial Prosecutor's Office. Idiniin naman ni Chief Superintendent Elmer Beltejar, acting regional director ng Easter Visayas police, na malaki ang maitutulong ng salaysay ng alkalde sa kanilang susunod na anti-drug operations. "Ito ay nagsu-substantiate sa link diagram sa drug syndicates operating sa area natin at neighboring regions like Region 7," ani Beltejar. "With this, we can strengthen 'yung filing natin ng mga cases saka launching of police operations against these connections ni Kerwin." Dagdag ni Beltejar, may mga pangalan sa salaysay ni Espinosa na hindi nakasali sa unang listahan ng mga drug protector na inilabas kamakailan ni Pangulong Duterte. Tumanggi nang magbigay ng karagdagang detalye si Beltejar. Anya, "May politicians, police officers at may LGU.. But for tactical and security reasons, please, 'di ko muna sasabihin, pero may bago." Nilinaw naman ng pulis na hindi makakaapekto ang affidavit ng alkalde sa mga kasong una nang isinampa laban sa kanya. "Ang pinag-usapan namin dito sa mga prosecutors na it should not be self-incriminating against him," sabi ni Beltejar.


Share it on Facebook



DAGDAG PROTEKSYON Kasabay ng kanyang mga pagbubunyag, natatakot na rin para sa kanyang seguridad si Espinosa dahilan para humingi ito ng proteksyon pulis. May mga kondisyon naman ang Philippine National Police para sa hiling ng alkalde, kabilang na ang pananatili nito sa police station. Hindi umano nila mabibigyan ng proteksyon si Espinosa sa labas ng istasyon dahil labag ito sa naunang utos ni Duterte na tanggalan ng police security ang lahat ng itinuturong "narco-politicians." Sinabi ni Beltejar na hinihintay pa nila ang rekomendasyon ni Albuera police chief Jovie Espenido ukol dito. Dadaan din muna ang hiling ng alkalde sa police regional director bago ito mapagbigyan. Samantala, kinumpirma rin ng pulisya na isang "level 2 high value target" sa kanilang drug watchlist ang napaslang abogado ng mga Espinosa na si Rogelio Bato, Jr. Inilahad ni Beltejar na miyembro ng sinasabing "Espinosa drug group" ang abogado at tumatanggap ng buwanang "protection money" mula kay Kerwin. Napag-alaman din anya nila mula kay Mayor Espinosa na galing kay Kerwin ang sasakyang gamit ni Bato at gumagamit din ng bawal na gamot ang abogado. "Si Attorney Bato is confirmed that he is using illegal drugs. In fact, sa interview namin kay Mayor, sinabi niya na 'pag pumupunta sa hotel nila sa Albuera he is using, regularly, prohibited drugs," sabi ni Beltejar. Hindi pa masabi ng pulisya kung maituturing na extra-judicial killing ang pagpasalang sa abogado. Gayunman, tiniyak ni Beltejar na kinokondena ng pulisya ang naturang pagapatay at wala silang pagtatakpan sa imbestigasyon sa insidente.

share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: theviralnewsph,
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!