Matapos dukutin. 7-anyos ni-rape/slay ng adik



Ang suspek na si Norman de Leon matapos na maaresto sa kasong panghahalay at pagpatay sa isang 7-anyos na batang babae sa Pandacan, Maynila.



Share it on Facebook



Natagpuang patay kahapon ang isang 7-anyos na batang babae sa loob ng isang banyo malapit sa kanilang bahay matapos na ito ay mawala noong Sabado sa Pandacan, Maynila. Ang biktima na tadtad ng saksak ang mga katawan na pinaniniwalaang hinalay muna ay kinilalang si Myla Rosales, residente ng President Quirino Highway, Barangay 845, Pandacan, Maynila. Agad nadakip ang suspek na si Norman de Leon, 25, hiwalay sa asawa, may 3 anak at residente ng no.1676 N. Zamora St., Paco. Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng isang common o public comfort room malapit sa tahanan nito. Sa salaysay ng mga kaanak na noong Sabado ng alas-8:00 ng gabi ay hinahanap na nila ang bata matapos na huling nakitang naglalaro ito. Kinabukasan ay nakatanggap ng impormasyon ang kaanak na ang biktima ay natagpuan sa nasabing banyo malapit sa kanilang inuupahang bahay na hubo’t hubad at tadtad ng saksak ang katawan. Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at dito ay limang lalaki ang isinalang sa interogasyon at dito ay unang umamin ang isang bading na ang kaniyang lover na si De Leon ang pumatay. Inamin ni De Leon na may 3 araw na siyang walang tulog at hindi na niya maalala kung paano ang ginawang pagpatay sa bata. Ikinukumpara din sa footage ng closed circuit television (CCTV) ang mga pahayag ng mga iniimbestigahan na kung saan ay nakita ang isang lalaki na paalis mula sa crime scene.

share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: theviralnewsph
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!