Sen. Jinggoy: “Hindi ako makikialam sa personal na buhay mo ngunit kailangan mo sagutin kung bakit nasangkot ang driver mo sa illegal na droga!"



“Hindi ako makikialam sa personal na buhay mo ngunit kailangan mo sagutin kung bakit nasangkot ang driver mo sa illegal na droga! - Sen. Jinggoy


Share it on Facebook



From Jinggoy to Leila

 FIRST QUESTION. Kaugnay nito ay may mga katanungan na inilabas si Jinggoy: “Una, sinasabi mo na character assassination ang ginawa sa iyo ni Pangulong Duterte. “Di ba, ganun din ang ginawa mo sa 3 senador nung pinangalanan mo kami ay sangkot sa PDAF scam na wala namang ebidensiya? “Isang taon kami pinutakte sa media dahil sa character assassination na ginawa mo sa amin, di ba? “Marami kang iniwas na diumano'y sangkot sa scam ngunit 3 lang ang binanggit mo, di ba?” SECOND QUESTION. “Sinasabi mo na nasasaktan ang mga anak mo at apo mo sa sinabi ng Pangulo. “Kaming 3 senador ay may pamilya rin. May asawa ako at 4 na anak na halos mapuno ang balde sa kaiiyak nung pinangalanan mo ako. “Di ba, masakit din yun sa aming pamilya? Halos wasakin at durugin mo kami sa taong bayan!” THIRD QUESTION. “Sinabi mo na foul ang ginawa sa iyo ng pangulo. “Teka, kung foul ang sinabi ng pangulo, bakit hanggang ngayon hindi ka pa nag-i-issue ng denial tungkol sa live-in partner mo na sangkot sa droga? “E, di ibig sabihin nun, totoo, di ba?” FOURTH QUESTION. “Ngayon, sinabi mo na bigyan ka ng pagkakataon sa ilalim ng ating saligang batas. “Inisip mo ba yun nung banggitin mo kaming 3 senador? Makakalaban ba kami sa inyo nung nasa puwesto kayo? “Kahit anong sabihin namin nung panahon na yun ay halos walang nakikinig sa amin dahil talagang pinagpipilitan ninyo na makasalanan kami, di ba? “Mga senador lang kami at hindi kami makakalaban sa administrasyon! Bakit hindi mo inisip yung mga pinaggagawa mo nung araw sa amin? “Hindi ka pa nakuntento, ipinakulong niyo pa kami!!” JINGGOY’S DARE. Sa huli ay hinamon ni Jinggoy si Senator De Lima na itanggi nito ang mga akusasyon ni Pangulong Duterte. “Ngayon, lumabas na ang mga issue sa iyo Gng. De Lima, hinahamon kita na i-deny mo ang mga akusasyon sa iyo ni Pangulong Duterte! “Hindi ako makikialam sa personal na buhay mo ngunit kailangan mo sagutin kung bakit nasangkot ang driver mo sa illegal na droga! “I hope my questions will reach the ‘honorable senator.’ I hope you know the meaning of RESPECT!”

share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: theviralnewsph
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!