2 dating tauhan ni De Lima, sumailalim sa NBI lie detector test



Nagpunta sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang dating tauhan ni Senador Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ) upang sumailalim sa lie detector test at magbigay ng pahayag ukol sa umanong pagkasangkot ng senador sa pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP). Sumailalim sa lie detector test si Jonathan Caranto at nagbigay ng pahayag sa NBI Anti-Illegal Drugs Division kahapon. Tumanggi siyang humarap sa kamera, pero inamin sa mga reporter na malayong kaanak siya ni Ronnie Dayan, ang dating drayber ni De Lima. Aniya, si Dayan ang naging tulay niya para maging tauhan ni De Lima sa Commission on Human Rights hanggang sa DOJ.


Share it on Facebook



Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nagkwento ang isang dating tauhan ni De Lima na inuutusan daw siya ng dating Justice Secretary na mag-deposito ng pera sa account ni Dayan. "Binibigyan daw siya ni De Lima ng pera para ideposit doon sa account ni Dayan," sabi ni Aguirre. Ayon kay De Lima, "harassment" umano ang paggamit sa dalawa niyang tauhan para tumestigo at iugnay siya sa perang galing sa droga. Ngunit nilinaw ni Aguirre na naunang lumapit sa kanya ang mga dating tauhan ni De Lima, at hindi niya pinilit ang mga ito na tumestigo laban sa dati nitong boss. Ayon kay Aguirre, "Mayroong affidavit. Pero hindi pinilit, voluntary, gustong linisin ang pangalan ng dalawa." Itinanggi rin ni Caranto na siya ay pinilit. May kasama rin siyang abogado galing sa Public Attorney's Office nang siya ay humarap sa NBI. Ayon kay Aguirre, may inaasahan pa siyang anim na mga personalidad mula sa NBP na magtetestigo.

share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: theviralnewsph,
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment

Loading...
Sharing Is Awesome. Make Your Visit Count


Share it on Facebook


×
blogger
Thanks a Lot!