Erwin Tulfo, hindi magsosorry kay Trillanes at hinamon pa ito na magsampa na ng kaso



"Bring it on! Maghanap ka ng pinakamagaling na abogado."

Ito ang matapang na sagot ng batikang mamamahayag sa TV at radio na si Erwin Tulfo para kay Senator Antonio Trillanes, matapos magbanta ang senador na magsasampa raw ito ng kaso kung sakaling hindi hihingi ng paumanhin si Tulfo sa naging mapanira raw na pahayag nito kamakailan.

Sinabi ni Tulfo na bakit siya hihingi ng paumanhin sa senador gayong ginagawa niya lamang ang kanyang trabaho na makapanayam ang kahit sino, gaya ni Guillermina Barrido na sinasabing binayaran at tinakot ng kampo ni Trillanes kapalit ng pagtestigo nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung di ba naman mahina ang ulo mo Trillanes, kung di ba naman dilis yata ang laman niyan, bakit ako magsosorry sayo, sino ka ba? Trabaho ko Mr. Trillanes na mag interview kahit sino sa programa ko,” ani ni Tulfo kay Trillanes.

Kwinestiyon din ni Tulfo ang mahigit 200 milyon pesos sa DAP na ibinigay ni dating Pangulo Noynoy Aquino sa senador.

“Bago ako magsorry sayo, paliwanag mo muna yung 200M na DAP na binigay sayo ni PNoy, saan mo dinala ito?” hamon ni Tulfo.


Share it on Facebook







share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: pinoythinking
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Social Counter