Matapang na pulis, iniligtas ang mga pasahero ng bus laban sa armadong holdaper



Kahit nasa bingit na ng kamatayan dahil nakatutok ang baril ng holdaper kay SPO2 Joselito Lantano, hindi ito naging hadlang para ipagtanggol niya ang mga pasahero ng Diamond Star Bus sa EDSA-Kamuning-Kamias flyover sa Quezon City, Martes ng madaling araw, Abril 4. 

Nangyari ang insidente habang nakasakay siya sa nabanggit na bus ng biglang may nagdeklara ng holdap at isa siya sa tinutukan ng baril ng isa sa tatlong holdaper.

Patay agad ang isa sa mga holdaper at nahuli naman ang dalawang hinihinalang kasabwat nito matapos ituro ng mga pasahero.

Si SPO2 Lantano ay nakatalaga sa PNP-PSPG at nagsimula sa PNP-SAF na napabilang sa 1997 na recruit ng SAF, dati rin siyang security detail ni Congresswoman Imelda Marcos.

Inirekomenda ng QCPD na bigyan siya ng promosyon dahil sa pinakita niyang kabayanihan.


Share it on Facebook






share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: pinoythinking,ABS-CBN News
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Social Counter