Watch: AFP at PNP, nagpakawala ng sunod-sunod na airstrike laban sa Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol



Nagpakawala ng sunod-sunod na airstrike ang pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police laban sa mga Abu Sayyaf, na lumusob sa Inabanga, Bohol kaninang umaga.

Nag-umpisa ang bakbakan ng dalawang grupo alas 5 ng umaga, Martes, dalawang araw matapos nagbabala ang United States na meron umanong banta ng pangingidnap sa nasabing rehiyon.

Nagresulta ito sa pagkakapatay ng 4 na pwersa ng pamahalaan at 5 pinaghinihinalaang bandido.

Ayon sa ulat, dumating daw ang bandidong grupo kahapon ng umaga lulan ng tatlong pump boat, at pumasok ito sa Inabanga River papuntang Brgy. Napo na may dala-dalang malalaking armas.

Samantala, hindi bababa sa 700 katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan pagkatapos maglunsad ng operasyon ang mga militar laban sa teroristang grupo, at wala namang sibilyan ang napabalitang nasaktan sa engkwentro.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng gobyerno ng lalawigan, at ng mga militar sa mga turista, na walang dapat ipangamba sapagkat kontrolado na nila ang insidente.
Watch the video below:



Share it on Facebook







share us your thoughts by leaving some comments below.

Share it on Facebook

Source: pinoythinking
SHARE

Renato S Lugto Jr

  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
  • Image
    Blogger Comment

0 comments:

Social Counter